Monday, March 3, 2008

My Tula

Nandito,naghihintay
(bv: Shing)

Sa bawat pagsikat ng inang araw.
Puso ko’t kaluluwa tila sumasayaw.
Bagong pag-asa ang natatanaw.
Sa iyong pagdating baling araw.

Buhay ko’y kay sigla sa tuwi-tuwina,
Sa paghihintay ng pag-ibig mo sinta.
Ako ma’y tumanda o kumunat pa.
Ika’y hihintayin, asahan mo sana.

Dumating man ang araw na kinatatakutan ko,
Ang pagkawala ng pag-ibig mo’t pangako.
Sana’y iisipin at pakatandaan
Ika’y mananatili parin sa puso ko.

Kaya mahal ko, iaalay ko sayo,Pag-ibg na wagas at totoo.
Kaya sana-y pakaasahan mo,
Nandito lang ako at naghihintay.

No comments: